Kasasayan ng Wikang
Pambansa
1934: Kumbensyong Konstitusyunal
Noong taong 1934 nagtawag ng isang konstitusyunal convention at
ang isa sa kanilang pinagtalunan ay kung ano ang itatatag na wikang pambansa.
Nagkaroon ng pagtatalo, wikang katutubo vs. wikang ingles. Subalit, tinaguyod
ni Lope K. Santos ang wikang katutubo sa pamamagitan ng paglagay ng pamantayan
na dapat ang wikang pambansa ay ibatay sa wikang umiiral.
1935: Saligang Batas 1935, Articulo XIV, Seksyon 3
Ang Kongreso “ay inaatasang magpaunlad at magpatibay ng
pangkalahatang Pambansang Wika na batay sa isa sa mga umiiral na katutubong
wika”. Subalit may iilang nag-giit na umiiral rin sa kapuluan ang wikang ingles
at espanyol na pinaglaban nina Felipe R. Jose (Mountain Province),
Wenceslao Q. Vinzons (Camarines Norte), Tomas Confesor (Iloilo), Hermenegildo
Villanueva (Negros Oriental), at Norberto Romualdez (Leyte). Sa panahong ito ay
wala pang napipili na batayan bilang wikang pambansa at wala pa ring ahensya
ang nabubuo upang ito’y mapangasiwaan at maipakalat.
1936: Batas Komonwelt Blg
184
Noong 1936, pinagtibay ng Batasang Pambansa ang Batas Komonwelt
Blg 184 na sinulat ni Norberto Rumualdez. Sa batas na ito ay itinatag ang
Surian ng Wikang Pambansa “na mag-aaral ng mga diyalekto sa pangkalahatan para
sa layuning magpaunlad at magpatibay ng isang pambansang wikang batay sa isa sa
mga umiiral na wika.” Ang pagpili ng isang pambansang wika ay ibinatay sa
“pagkaunlad ng estruktura, mekanismo, at panitikan na pawang tinatanggap at
ginagamit ng malaking bilang ng mga Filipino.”
Surian ng Wikang Pambansa
- Lumabas sa pagsusuri ng SWP na ang
Tagalog ang pinakaumiiral na wika sa kapuluan at ito ang napili bilang
pamantayan sa pamumuno nina Jaime C. de Veyra , at kinabibilangan ng mga
kasaping sina Santiago A. Fonacier, Filemon Sotto ,Casimiro F. Perfecto,
Felix S. Salas Rodriguez, Hadji Butu, at Cecilio Lopez.
- Tampok sa pagpili ng Tagalog ang
pagkilala rito “na ginagamit ito ng nakararaming bilang ng mga mamamayan,
bukod pa ang mga kategorikong pananaw ng mga lokal na pahayagan,
publikasyon, at manunulat.”
1937: Kautusang
Tagapagganap Blg 134
Sa Bisa ng batas na ito ay ipinahayag ni Pangulong Manuel L.
Quezon na ang wikang pambansa ay ibabatay sa Tagalog. Ngunit magkakabisa lamang
ang nasabing kautusan pagkaraan ng dalawang taon, at ganap masisilayan taong
1940.
Dalawang ang mahalagang tungkuling naisagawa ng SWP. Ito ay ang pagbubuo
at pagpapalathala ng diksyonaryo at gramatika ng Wikang Pambansa.
1940: Kautusang
Tagapagganap Blg 263
Ipinalabas ang Kautusang Tagapagpaganap na nagtadhana ng
paglilimbag ng isang balarila at isang diksyunaryo sa Wikang Pambansa.
Ipinahayag ring ituturo ang wikang pambansa sa mga paaralan sa buong
Pilipinas na nagsimula noong Hunyo 19, 1940.
1946: Araw ng Pagsasarili
at Batas Komonwelt Blg 570 (Hulyo 4, 1946)
Pinagkalooob ng mga Amerikano ang kalayaan ng Pilipinas.
Pinagtibay ng Batas-Komonwelt Blg. 570 na nagtadhana na simula sa
Hulyo 4, 1946 ang Wikang Pambansa ay isa sa mga opisyal na wika ng bansa.
Nagkaroon ng 2 opisyal na wika Ingles at ang wikang pambansa na nakabatay sa
tagalog
1954: Proklamasyon Blg 12
(Marso 26, 1954)
Nilagdaan ni Pangulong Ramon Magsaysay ang Proklamasyom blg. 12 na
nagpapahayag ng pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa simula Marso 29
hanggang Abril 4 taun-taon, sa tagubilin ng Surian ng Wikang Pambansa at bilang
pagkilala na rin sa kaarawan ni Francisco Balagtas.
1955: Proklamasyon Blg. 186
(Setyembre 23, 1955)
Nilagdaan ni Pang Magsaysay ang Proklamasyon blg. 186 na
naglilipat sa pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa sa ika 13-19 ng
Agosto taun-taon, bilang paggunita na rin sa kaarawan ng dating pangulong
Manuel L. Quezon.
1959: Kautusang
Pangkagawaran Blg 7 (Agosto 13, 1959)
Pinalabas ng Kalihim ng Kagawaran g Edukasyon, Jose E. Romero ang
Kautusang Pangkagawaran blg. 7 na nagsasaad na ang wikang pambansa ay
tatawaging Pilipino. Gagamatin ang wika sa mga tanggapan, gusali, passaporte,
diyaryo, telebisyon at komiks.
1967: Kautusang
Tagapagpaganap Blg 96 (Oktubre 24, 1967)
Itinakda ni Pang. Marcos ang Kautusang
Tagapagpaganap blg.96 na
nagtatadhanang ang lahat ng mga gusali, edipisyo at tanggapan ng pamahalaan ay
pangalanan sa Pilipino.
1973: Saligang Batas 1973,
Artikulo XV, Seksyon 3, Blg 2
Ayon sa Saligang Batas 1973 mayroong dalawang opisyal na wika-
Ingles at Pilipino. Itinakda rin na ang Pambansang Assemblea ay gagawa ng mga
hakbang tungo sa pagpapaunlad at pormal na adapsyon ng panlahat sa Wikang Pambansa-
na makikilalang Filipino.
1987: Saligang Batas 1987,
Artikulo XIV, Seksyon 6-9 (Pebrero 2, 1987)
Mula sa Pilipino ay pinalitan ito at kinilalang Filipino.
Nagkaroon ng dalawang opisyal na wika at ito ay ang Ingles at Filipino.
Kautusang Pangkagawaran Blg
81 (Agosto 6, 1987)
Sa rekomendasyon ng Linangan ng Wikang Pambansa, dating
Surian ng Wikang Pambansa, nilagdaan ni Sek. Quisumbing ang
Kautusang Pangkagawaran blg.81 na
nagtatakda ng bagong alpabeto at patnubay sa pagbabaybay ng Wikang Filipino. Ang
bagong alpabeto ay binubuo ng dalawampu’t walong letra.
1997: Proklamasyon Blg 104
Ang Agosto ay taun-taong magiging Buwan ng Wika.