Miyerkules, Oktubre 17, 2018

Wikang Pilipino (Kasaysayan)


Kasaysayan ng Wikang Pambansa (Filipino)
Sa pagbabasa mo ng kasaysayan ng ating Wikang Pambansa (Filipino), mas madali mong maintindihan kung itinatanong mo sa iyong sarili ang mga ito:
  • Saan mababasa ang tadhana ukol sa pagkakaroon ng Wikang Pambansa?
  • Paano nabigyang katuparan ang nasabing tadhana?
  • Sinu-sino ang bumuo ng unang Surian ng Wikang Pambansa?
  • Bakit binago ang petsa ng pagdiriwang ng Linggo ng Wika?
  • Ilang yunit ng Filipino ang dapat na makuha ng isang mag-aaral bago makatapos ng isang kurso?
Maraming panahon ang lumipas bago nakamit ng Pilipino ang kalayaan. Ang mga taong naninirahan sa Pilipinas ay iba't ibang wika ang ginagamit kaya ang mga mamamayan noon ay hindi gaanong nagkakaunawaan. Malimit noon ang magkaroon ng alitan, inggitan, samaan ng loob at iba pang kaguluhan bunga ng di pagkakaunawaan.


Nagdatingan ang mga dayuhan, iba't ibang lahi tulad ng mga Malayo, Indones, Intsik, tag-Indiya at Arabia sa ating bansa upang makipagkalakalan. Dumating at umalis ang mga dayuhan, itinuro ang kani-kanilang gawi at wika ngunit hindi pa rin nalutas ang mga suliraning dati na sa bansa. Sa malas ay lalo pang lumubha at lumawak ang di pagkakaunawaan ng mga mamamayang Pilipino.

Lumipas ang marami pang taon, patuloy ang pagdating ng maraming dayuhang ang unang layunin ay makipagkalakalaan lamang ngunit sa dakong huli ay naging mapaghangad at tayo'y sinakop at ipinailalim sa kanilang pamahalaan at itinuring na parang mga alipin. Subalit dahil sa ang mga Pilipino ay likas na matatapang at may likas na paninindigan sa karapatan, ang mga ito ay hindi natakot makipaglaban sa mga dayuhan. Nabuhay sa kanila ang damdaming makabayan.


Hindi sana tatagal ng mahigit na tatlong daan at tatlumpung taon ang ating pagkasakop o pagkapailalim sa kapangyarihan ng mga Kastila kung noon pa ay mayroon na tayong isang malawak na wikang nauunawaan ng nakararaming Pilipino.

Nang mapasailalim ng kapangyarihan ng mga Amerikano ang Pilipinas, napansin ng mga Pilipino ang malaking kaibahan ng pagbibigay ng edukasyon sa ilalim ng Kastila at ng mga Amerikano. Sa panahon ng Kastila, nanatiling mangmang ang mga Pilipino sapagkat ipinagkait sa mamamayan ng Pilipinas ang wikang Kastila ayon sa pag-aaral ni Ernesto J. Frei (The Historical Development of the Philippine National Language). Sa panahon ng Amerikano, sadyang itinuro ang wikang Ingles at sadya rin malaki ang kaibhan ng pagtuturo sapagkat ito ay sapilitan. Para sa mga Amerikano, mas madali silang mauunawaan ng mga Pilipino kung ang mga ito ay nagsipag-aral.



Bilang bahagi ng marahan at maingat na paraan ng pagbibigay-kalayaan sa Pilipinas, nagkaroon ng kombensyong pangkonstitusyonal noong taong 1934 at natapos at napagtibay ito nang sumunod na taon o 1935. Ang unang konstitusyon ay nagtadhana ng ganito ukol sa wika:
Artikulo XIV, Seksyon 3 ng Unang Konstitusyon, Serye 1935

"Ang kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa paglinang at pagbuo ng isang Wikang Pambansang batay sa isa mga umiiral na mga katutubong wika..."

Dahil sa malaking pagpapahalaga sa pagkakaroon ng Wikang Pambansa ng Pangulong Manuel Luis Quezon, nang magbigay siya ng mensahe sa unang pulong ng Asembleya ng Pilipinas noong Oktobre 27, 1936, inirekomenda ang pagtatatag ng isang Surian ng Wikang Pambansa na siyang mag-aaral ng mga diyalekto sa Pilipinas upang luminang at bumuo ng isang Wikang Pambansang batay sa isa sa mga ito.


Dahil sa kahilingan ng Pangulong Quezon, ang Asembleya ng Pilipinas ay lumikha ng isang batas na nakilala sa tawag na Batas Komonwelt Blg. 184, Serye 1936. Ito'y isang batas na lumilikha ng Surian ng Wikang Pambansa at nagtatakda ng kapangyarihan nito pati na ng mga tungkulin sa isang ispesyal na sesyon, noong Nobiyembre 13, 1936.

Nagsimula na ang puspusang pagsasakatuparan ng mga hakbangin tungo sa pagkakaroon ng Wikang Pambansa. Kaya noong Enero 12, 1937, bilang pag-alinsunod sa itinakda ng batas, hinirang ng Pangulong Quezon si Jaime C. de Veyra bilang Patnugot ng Surian ng Wikang Pambansa (SWP).

Narito ang mga bumuo sa unang Surian ng Wikang Pambansa pati ang wikang kinatawan:
Patnugot: Jaime C. de Veyra (Samar-Leyte) - tagapagtatag ng Wikang Pambansa (Agosto 13-19, 1955)
Kalihim: Cecilio Lopez (Tagalog)
Mga Kagawad:
·         Santiago Fonacier (Ilokano)
·         Filemon Sotto (Cebuano) - nagdimite
·         Casimiro Perfecto (Bicol)
·         Felix Salas Rodriguez (Hiligaynon)
·         Hadji Butu (Tausug)
Hindi pa nagsisimula ng gawain ang bumuo ng Surian, ay namatay si Hadji Butu at nagdimite naman si Filemon Sotto dahil sa pagkakaroon ng kapansanan. Muling humirang ang Pangulong Quezon ng kapalit at karagdagang kagawad. Ang mga ito'y ang sumusunod:
·         Zoilo Hilario (Kapampangan)
·         Jose L. Zulueta (Pangasinan)
·         Lope K. Santos (Tagalog) - Ama ng Balarilang Filipino
·         Isidro Abad (Cebuano)
May walong (8) wikang pinagbabatayan ang ginagawang pagsusuri sa mga piling diyalekto ng Pilipinas:
1.   Tagalog
2.   Waray
3.   Kapampangan
4.   Hiligaynon
5.   Pangasinense
6.   Bicolano
7.   Cebuano
8.   Ilokano
Ang unang komposisyon ng mga bumuo ng Surian ng Wikang Pambansa ay ayon sa tadhana ng Seksyon 1, Batas ng Komonwelt bilang 184.

Bunga ng ginawang pag-aaral, at pag-alinsunod sa tadhana ng Batas ng Komonwelt Blg. 184, ang Surian ng Wikang Pambansa ay nagpatibay ng isang resolusyon na nagpapahayag na ang Tagalog ang "siyang halos lubos na nakatugon sa mga hinihingi ng Batas Komonwelt Blg. 184", kaya't itinagubilin nito noon Nobiyember 9, 1937 sa Pangulo ng Pilipinas na iyon ay pagtibayin bilang saligan ng Wikang Pambansa. Noong Disyembre 30, 1937, sa pamamagitan ng Kautusang Tagapaganap Blg. 134, Serye 1937, ipinahayag ng Pangulong Quezon na ang Wikang Pambansa ay batay sa Tagalog.

Sa pamamagitan ng Kautusang Tagapaganap Blg. 263, noong Abril 1, 1940, ay binibigyang pahintulot ang pagpapalimbag ng isang Diksiyunaryo at isang Gramatika ng Wikang Pambansa at itinakdang mula sa Hunyo 19,1940, ay pasisimulan nang ituro ang Wikang Pambansa ng Pilipinas sa lahat ng paaralang bayan at pribado sa buong bansa. Inatasan din ang Kalihim  ng Pagtuturong Pambayan ng maglagda, kalakip ang papapatibay ng Pangulo ng Pilipinas, ng mga kinakailangang tuntunin at patakaran sa pagpapatupad ng kautusang ito.

​Noong Hunyo 7, 1940, pinagtibay ang Batas Komonwelt Blg. 570, na nagtatadhana, bukod sa iba pa, na ang Pambansang Wikang Pilipino ay magiging isa na sa wikang opisyal ng Pilipinas simula sa Hulyo 4, 1946.

Nilagdaan ng Pangulong Ramon Magsaysay ang Proklama Blg. 12 na nagpapahayag ng pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa simula sa Marso 29 hanggang Abril 4 taun taon, sang-ayon sa tagubilin ng Surian ng Wikang Pambansa. Napapaloob sa panahong saklaw ng pagdiriwang ang Araw ni Balagtas (Abril 2).

Setyembre 23,1955, nilagdaan ng Pangulong Magsaysay ang Proklama Blg. 186 na nagsususog sa Proklama Blg. 12 serye 1954, na sa pamamagitan nito'y inililipat ang panahon ng pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa taun-taon simula sa ika-13 hanggang ika-19 ng Agosto, 1955.

Noong Agosto 13, 1959, nagpalabas ang Kalihim Jose E. Romero ng Kagawaran ng Edukasyon ng Kautusang Pangkagawaran Blg. 7, na nagsasaad na kailanma't tutukuyin ang Wikang Pambansa, ang sailtang Pilipino ay siyang gagamitin.

Nilagdaan ng Kalihim Juan L. Manuel ng Kagawaran ng Edukasyon at Kultura noong Hunyo 19, 1974 ang Kautusang Pangkagawaran Blg. 25, na nagtatakda ng mga panuntunan sa pagpapatupad ng patakarang edukasyon bilinggwal sa mga paaralan na magsisimula sa taong-aralan 1974-1975.

Sa pamamagitan ng Kautusang Pangkagawaran Blg. 22, s. 1978, ay naging sapilitan ang pagtuturo ng Pilipino sa lahat ng kurso sa dalubhasaan. Ang sinumang hindi nakakuha ng anim na yunit ng Pilipino ay hindi makatatapos ng kurso.
Ipinag-utos din ang paggawa ng aklat sa Pilipino para sa dalubhasaan dahil sa kakulangan ng mga aklat. Ang kautusan ukol sa sapilitang pagkuha ng Pilipino sa dalubhasaan ay muling nabago. Noong 1997 ay dinagdagan pa ng tatlong yunit ang dating anim na yunit kaya't naging siyam na sa kasalukuyan ang dapat na matapos na yunit sa Pilipino bago makatapos ng kurso.

Ngayon, ang lahat ng mga mag-aaral maging dayuhan ay kailangang may siyam na yunit ng Pilipino sa kolehiyo para makatapos ng kurso nila. Kaya ngayon, ang lahat ay nag-aaral ng Filipino.

Nabanggit sa itaas na ang asignaturang Pilipino ay hindi na tatawaging ganito sa halip ay Filipino batay sa Kautusang Pangkagawaran Blg. 81, s. 1987, ang kautusan ukol sa binagong ortograpiyang Pilipino.



Lunes, Oktubre 15, 2018



Wikang Filipino
Anu nga ba ang wika? -ang wika ay isang sistema ng mga sagisag na binubuo ng mga tunog o kaya ay mga pasulat na letra na naiiugnay natin sa mga kahulugang nais nating ipabatid sa ibang tao. Bakit ito mahalaga? -napakahalaga ng sariling wika sa isang lipunan lalo na sa ating mga pilipino. Unang una ,ito ay ginagamit nating mga pilipino upang maipahayag ang damdamin at kaisipan. Pangalawa, ang wikang filipino ay mahalaga upang magkaisa at mabuklod ang mga bagay na kumikilala sa isang lahi kung ano sila, saan sila nagmula, kung sino at ano ang kanilang mga kaibahan sa ibang lahi. Ang wikang filipino ang mga nagsilbing tulay ng mga pilipino upang bawat isa ay magka intindihan at magtulungan para sa pag unlad ng ating sariling bansa.
 Ang wikang filipino ay isa sa mga kayamanang ating natanggap mula sa ating mga ninuno. Ito ang nagsilbing instrumento para sa magandang ugnayan. Ang wika ay mahalaga para sa pang araw araw at upang tayo ay magkaunawaan. Bilang isang mamamayan ng bansang pilipinas, dapat natin itong ipagmalaki sapagkat ang ating sariling wika ay parang ginto na dapat iniingatan at pinapahalagahan para narin sa mga susunod pang henerasyon. Sa araw araw nating pakikisalimuha sa iba, madami na tayong napapansing ibat ibang uri ng wika sa ating pananalita. Minsan marami tayong ginagamit na salita para makipag usap sa ibang tao tulad na lamang ng jejemon na karaniwang ginagamit ng mga kabataan ngayun. Minsan kinakailangan din nating magbago at hindi rin naman ito masama kung ang pagbabago na iyong sinasabi ay hindi makakasira o makakasama sa wikang iyong ginagamit at sa bansang iyong kinalalakihan at napagkukunan ng aral.


Ang pagbabago ay hindi rin naman masamang bagay, ngunit dahil sa pagbabago marami narin sa mga kapwa natin pilipino ang nakakalimot na sa ating sariling wika. Sapagkat bawat pagbabago ay hindi lahat may magagandang naging bunga minsan nagdudulot din ito ng sakit sa ulo ng mga gobyerno at maging sa ating bansa ito ay lalong nakakaepekto. Dahil ang bawat isa satin ay may kanya kanyang ding isip. Tulad na lamang ng pakikipag usap natin sa ating kapwa, minsan ginagamit parin natin ang hindi sa ating wika mas marami pa ang mga salitang lumalabas sa bibig natin na hindi sa ating wika, kaysa sa wikang ating pinagmura at pinag-aaralan. Iilan lamang yan sa mga mabuting epekto ng palaging paggamit ng ating wika. Ang wika ay malinaw na sa isang mahalagang kasangkapan na ginagamit upang maiparating ang mga nasasaloob na ideya at damdamin ng isang tao.

Hindi lamang ito isang paraan ng pakikipag usap nya sa kapwa kundi ginagamit din nya upang makigpagkaibigan, makipagtalakayan at maibahagi ang kanyang ibat ibang opinyon at kaisipan. Hindi lamang sa pagsusulat ng mga talambuhay gamit ang wika kundi maging sa pakikipagtalastasan gamit ang sariling wika. Sa buong kasaysayan, maraming mga bagay, sitapwasyon at pangyayari na tumutukoy sa kahalagahan ng wika sa mga tao, sa kanyang kapaligiran at higit lalo na sa kanyang bansa. Ang wika ay hindi lamang isang sasakyan para sa pagpapahayag ng saloobin,opinyon,mga personal na obserbasyon at halaga ng kanyang mga katangian bagkus ay isang sisidlan na siyang nagpahayag ng mga aspeto ng isang komunidad o bqnsa.Ito ay kumakatawan sa lahat ng taong kabilang sa bansang pilipinas.

Ang wika ay kumakatawan sa pangunahing pagpaparating sa iba ng panlipunang pagkakilanlan.sa madaling salita,ang wika ay tumutulong na mapanatili ang kaayusan at kagandahan ng mga pilipino sa pagpapahayag ng damdamin ng kultura,sining at pagkabansa ng isang bayan.Ang wikang Filipino,na siyang ginagamit ng bawat isa sa atin kahit saang sulok man ng bansa naroon.Ito ang nagsisilbing sinturon upang maitali ang mga mamamayan sa pagiging isang Pilipino upang maging isa sila sa kanilang mga diwa,pangarap na nais nilang makamit.Mahirap lamang na isipin na kung walang sariling wika na magiging daan upang magkabuklod-buklod ang magkakahiwa-hiwalay na isala sa bansang Pilipinas .Ito ah maaring makapagdulot ng kaguluhan at hind pagkakaunawaan ng mga Pilipino.
Kahit ano mang anyo sa pamamagitan man ng pagsulat o pagsalita,ang ating sariling wika ang pinakamabisang paraan upang maihatid ang mga kaisipan ag mapanatili sa madaling hakbang ang kasaysayan at mga tala ng mga sinaunang Pilipino.Sa ganitong pagkakataon ,malalaman nating mga mamamayan ang mga hakbangin para na ginawa noong una upang maituloy ito sa mabuting paraan at maiwasan ang mga hindi magagandang pangyayari noon sa ating bansa.Ang wika ang dapat na isipin ng mga Pilipino upang mailagay sa tama ang mga gagawin at mapabuti ang mga masasamang gawain.

Wika rin ang magsisilbing lakas ng mga Pilipino sa pagtahak ng mga pangarap upang maisakatuparan ang mga naudlot noong simula pa.Para sa paglipas ng panahon,mapatunayan na ang wika ang siyang pinakamahalagang sandata ng mga Pilipino upang maiparating ng isang bansa sa kanyang mamamayan ang mga pangyayari,kasaysayanag bahagi ng ekonomiyang ito upang sa gayon malalaman rin ng mga Pilipino kung gaano talaga kahalaga ang wikang ating pinaglalaban at pinapahalagahan mula noon maging sa kasalukuyan.Gayon din naman na ang wika ang siyang sentro ng mga mamamayan upang maihugos sa kanilang mga hinaing.Naipadama ng isang tao sa pamamagitan ng kanyang pagkatao,ang katangian,ang lawak ng kanyang kultura at sining,ang kabihasaan nya sa ano mang larangan at katotohanan ng kanyang pag-iral. Tuwing buwan mg Agusto ay ipinagdidiwang ag buwan ng wika o Buwan ng wikang pambansa.

Ngayong taong 2018 ang tema ay "Filipino Wika ng Saliksik",ang ibig sabihin ay ang wikang Filipino ay mainam na instrumento sa mahusay na pagsasaliksik.Ang kahulugan ng saliksik ay"research"sa ingles na isa sa pinakamahalagang elemento sa pag unladng kaalaman.Ginagamit ang saliksik sa marami,kagaya na lamang sa paggawa ng thesis at iba pa pang pag-aaralan na kaugnay sa edukasyon. Ang tema ay kumikilala sa wikang Filipino bilang midyum sa paglikha at pagpapalaganap ng pambansang karunungan at kaunlaran.