Wikang Filipino
Anu nga ba ang
wika? -ang wika ay isang sistema ng mga sagisag na binubuo ng mga tunog o kaya
ay mga pasulat na letra na naiiugnay natin sa mga kahulugang nais nating
ipabatid sa ibang tao. Bakit ito mahalaga? -napakahalaga ng sariling wika sa
isang lipunan lalo na sa ating mga pilipino. Unang una ,ito ay ginagamit nating
mga pilipino upang maipahayag ang damdamin at kaisipan. Pangalawa, ang wikang
filipino ay mahalaga upang magkaisa at mabuklod ang mga bagay na kumikilala sa
isang lahi kung ano sila, saan sila nagmula, kung sino at ano ang kanilang mga
kaibahan sa ibang lahi. Ang wikang filipino ang mga nagsilbing tulay ng mga
pilipino upang bawat isa ay magka intindihan at magtulungan para sa pag unlad
ng ating sariling bansa.
Ang wikang filipino ay isa sa mga kayamanang
ating natanggap mula sa ating mga ninuno. Ito ang nagsilbing instrumento para
sa magandang ugnayan. Ang wika ay mahalaga para sa pang araw araw at upang tayo
ay magkaunawaan. Bilang isang mamamayan ng bansang pilipinas, dapat natin itong
ipagmalaki sapagkat ang ating sariling wika ay parang ginto na dapat iniingatan
at pinapahalagahan para narin sa mga susunod pang henerasyon. Sa araw araw
nating pakikisalimuha sa iba, madami na tayong napapansing ibat ibang uri ng
wika sa ating pananalita. Minsan marami tayong ginagamit na salita para makipag
usap sa ibang tao tulad na lamang ng jejemon na karaniwang ginagamit ng mga
kabataan ngayun. Minsan kinakailangan din nating magbago at hindi rin naman ito
masama kung ang pagbabago na iyong sinasabi ay hindi makakasira o makakasama sa
wikang iyong ginagamit at sa bansang iyong kinalalakihan at napagkukunan ng
aral.
Ang pagbabago
ay hindi rin naman masamang bagay, ngunit dahil sa pagbabago marami narin sa
mga kapwa natin pilipino ang nakakalimot na sa ating sariling wika. Sapagkat
bawat pagbabago ay hindi lahat may magagandang naging bunga minsan nagdudulot
din ito ng sakit sa ulo ng mga gobyerno at maging sa ating bansa ito ay lalong
nakakaepekto. Dahil ang bawat isa satin ay may kanya kanyang ding isip. Tulad
na lamang ng pakikipag usap natin sa ating kapwa, minsan ginagamit parin natin
ang hindi sa ating wika mas marami pa ang mga salitang lumalabas sa bibig natin
na hindi sa ating wika, kaysa sa wikang ating pinagmura at pinag-aaralan. Iilan
lamang yan sa mga mabuting epekto ng palaging paggamit ng ating wika. Ang wika
ay malinaw na sa isang mahalagang kasangkapan na ginagamit upang maiparating
ang mga nasasaloob na ideya at damdamin ng isang tao.
Hindi lamang
ito isang paraan ng pakikipag usap nya sa kapwa kundi ginagamit din nya upang
makigpagkaibigan, makipagtalakayan at maibahagi ang kanyang ibat ibang opinyon
at kaisipan. Hindi lamang sa pagsusulat ng mga talambuhay gamit ang wika kundi
maging sa pakikipagtalastasan gamit ang sariling wika. Sa buong kasaysayan,
maraming mga bagay, sitapwasyon at pangyayari na tumutukoy sa kahalagahan ng
wika sa mga tao, sa kanyang kapaligiran at higit lalo na sa kanyang bansa. Ang
wika ay hindi lamang isang sasakyan para sa pagpapahayag ng
saloobin,opinyon,mga personal na obserbasyon at halaga ng kanyang mga katangian
bagkus ay isang sisidlan na siyang nagpahayag ng mga aspeto ng isang komunidad
o bqnsa.Ito ay kumakatawan sa lahat ng taong kabilang sa bansang pilipinas.
Ang wika ay
kumakatawan sa pangunahing pagpaparating sa iba ng panlipunang pagkakilanlan.sa
madaling salita,ang wika ay tumutulong na mapanatili ang kaayusan at kagandahan
ng mga pilipino sa pagpapahayag ng damdamin ng kultura,sining at pagkabansa ng
isang bayan.Ang wikang Filipino,na siyang ginagamit ng bawat isa sa atin kahit
saang sulok man ng bansa naroon.Ito ang nagsisilbing sinturon upang maitali ang
mga mamamayan sa pagiging isang Pilipino upang maging isa sila sa kanilang mga
diwa,pangarap na nais nilang makamit.Mahirap lamang na isipin na kung walang
sariling wika na magiging daan upang magkabuklod-buklod ang magkakahiwa-hiwalay
na isala sa bansang Pilipinas .Ito ah maaring makapagdulot ng kaguluhan at hind
pagkakaunawaan ng mga Pilipino.
Kahit ano mang
anyo sa pamamagitan man ng pagsulat o pagsalita,ang ating sariling wika ang
pinakamabisang paraan upang maihatid ang mga kaisipan ag mapanatili sa madaling
hakbang ang kasaysayan at mga tala ng mga sinaunang Pilipino.Sa ganitong
pagkakataon ,malalaman nating mga mamamayan ang mga hakbangin para na ginawa
noong una upang maituloy ito sa mabuting paraan at maiwasan ang mga hindi
magagandang pangyayari noon sa ating bansa.Ang wika ang dapat na isipin ng mga
Pilipino upang mailagay sa tama ang mga gagawin at mapabuti ang mga masasamang
gawain.
Wika rin ang
magsisilbing lakas ng mga Pilipino sa pagtahak ng mga pangarap upang
maisakatuparan ang mga naudlot noong simula pa.Para sa paglipas ng
panahon,mapatunayan na ang wika ang siyang pinakamahalagang sandata ng mga
Pilipino upang maiparating ng isang bansa sa kanyang mamamayan ang mga
pangyayari,kasaysayanag bahagi ng ekonomiyang ito upang sa gayon malalaman rin
ng mga Pilipino kung gaano talaga kahalaga ang wikang ating pinaglalaban at
pinapahalagahan mula noon maging sa kasalukuyan.Gayon din naman na ang wika ang
siyang sentro ng mga mamamayan upang maihugos sa kanilang mga hinaing.Naipadama
ng isang tao sa pamamagitan ng kanyang pagkatao,ang katangian,ang lawak ng
kanyang kultura at sining,ang kabihasaan nya sa ano mang larangan at
katotohanan ng kanyang pag-iral. Tuwing buwan mg Agusto ay ipinagdidiwang ag
buwan ng wika o Buwan ng wikang pambansa.
Ngayong taong
2018 ang tema ay "Filipino Wika ng Saliksik",ang ibig sabihin ay ang
wikang Filipino ay mainam na instrumento sa mahusay na pagsasaliksik.Ang
kahulugan ng saliksik ay"research"sa ingles na isa sa
pinakamahalagang elemento sa pag unladng kaalaman.Ginagamit ang saliksik sa
marami,kagaya na lamang sa paggawa ng thesis at iba pa pang pag-aaralan na
kaugnay sa edukasyon. Ang tema ay kumikilala sa wikang Filipino bilang midyum
sa paglikha at pagpapalaganap ng pambansang karunungan at kaunlaran.
CASINO RESORT - Jeuxel Casinos & Resorts
TumugonBurahinThe JTG Casino in 강릉 출장마사지 Joliet, Mississippi 이천 출장안마 offers exciting gaming, 여수 출장안마 live entertainment, dining, and nightlife in Southwestern 청주 출장마사지 Indiana. We have 서귀포 출장마사지 over 1,600