1934 Nagsimula ang kasaysayan ng Wikang Pambansa noong unang Kombensyong Konstitusyonal na naganap sa taong 1934. Ang nanguna sa paggawa ng resolusyon tungkol sa wikang pambansa ay si Deligado Wenceslao Vinzons ng Camarines Norte. Ang orihinal na resolusyon ay ang sumusunod:
Ang Kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang wikang wikang pambansa batay sa mga umiiral na katutubong diyalekto.
1935 Ang resolusyon ay naisa-batas at matatagpuan sa Seksyon 3, Artikulo XIV ng Saligang Batas ng 1935.
1936 (Okt. 27) Itinagubilin ni Pangulong Quezon sa kanyang mensahe sa Pambansang Asemblea ang paglikha ng isang Surian ng Wikang Pambansa na gagawa ng isang pag-aaral ng mga wikang katutubo sa Pilipinas sa layuning mapaunlad at mapatibay ang isang wikang panlahat.
1937 (Nob.13) Pinagtibay ng Batasang Pambansa ang Batas Komonwelt blg. 184 na lumikha ng isang Surian ng Wikang Pambansa at itinakda ang mga kapangyarihan at tungkulin nito.
1937 (Enero 12) Humirang ang Pang. Quezon ng mga Kagawad na bubuo sa Surian ng Wikang pambansa. Si Jaime C. D. Veyra ang unang Tagapangulo ng Surian ng Wikang Pambansa. (Tingnan sa aklat ang iba pang miyembro).
1937 (Nob.9) Nagpasa ng isang resolusyon na gawing Tagalog ang batayan ng Wikang Pambansa at itinagubilin ito ng Pang. Quezon na pagtibayin na.1937 (Dis. 30) Alinsunod sa Batas Komonwelt blg. 184, sa pamamagitan ng Kautusang Tagapagpaganap 134, ipinahayag ng Pang. Quezon na batay sa Tagalog ang Wikang Pambansa ng Pilipinas.
1940 (Abril 1) Sa pamamagitan ng Kautusang Tagapagpaganap blg. 263 ay binigyang-pahintulot ang pagpapalimbag ng isang Diksyunaryo at ang Gramatika ng Wikang Pambansa na itinakdang ituro sa mga publiko at pribadong paaralan mula Hunyo, 1940.
1954 (Marso 26)Nilagdaan ni Pang. Ramon Magsaysay ang Proklama blg. 12 na nagpapahayag ng pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa simula Marso 29 hanggang Abril 4 taun-taon, sa tagubilin ng Surian ng Wikang Pambansa.
1955 (Set.23) Nilagdaan ni Pang Magsaysay ang Proklama blg. 186 na naglilipat sa pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa sa ika 13-19 ng Agosto taun-taon.
1959 (Agos. 13) Pinalabas ng Kalihim ng Kagawaran g Edukasyon, Jose E. Romero ang Kautusang Pangkagawaran blg. 7 na nagsasaad na kailanma’t tutukuyin ang Wikang Pambansa, ang salitang Pilipino ang gagamitin.1967 (Okt. 24) Itinakda ni Pang. Marcos ang Kautusang Tagapagpaganap blg.96 na nagtatadhanang ang lahat ng mga gusali, edipisyo at tanggapan ng pamahalaan ay pangalanan sa Pilipino.
1968 (Marso 27) Nagpalabas si Kalihim Tagapagpaganap Rafael Salas ng Memorandum Sirkular blg. 172, nag-aatas na isulat sa Pilipino ang mga letterheads ng mga kagawaran at sangay ng pamahalaan.
1968 (Agos.6) Nilagdaan ni Pang. Marcos ang Kautusang Tagapagpaganap blg. 187 na nag-aatas sa lahat ng kagawaran, kawanihan, tanggapan, at iba pang sangay na gamitin ang wikang Pilipino, hangga’t maaari, sa Linggo ng Wikang Pambansa at pagkaraan nito, sa lahat ng opisyal na komunikasyon at transaksyon ng pamahalaan.1970 (Agos.17)Pinalabas ni Kalihim Tagapagpaganap Alejandro Melchor ang Memorandum Sirkular blg. 384 na nagtatalaga ng tauhang mamamahala ng komunikasyon sa Pilipino sa lahat ng departamento, kawanihan , tanggapan, at iba pang sangay ng pamahalaan, kabilang ang mga korporasyong ari o kontrolado ng pamahalaan
1971(Marso 16) Nilagdaan ni Pang. Marcos ang Kautusang Tagapagpaganap blg. 304 na nagpapanauli sa Surian ng Wikang Pambansa. Naging Tagapangulo nito si Dr. Ponciano BP. Pineda. Nanungkulan siya hanggang taong 1999.
1972 (Dis. 1) Nilagdaan ni Pang. Marcos ang Kautusang Panlahat blg. 17 na ang panukalang Saligang Batas ng 1972 ay limbagin sa Pilipino at Ingles .1974 (Hunyo 9) Nilagdaan ni Kalihim Juan Manuel ng Edukasyon at Kultura ang Kautusang Pangkagawaran blg. 25 na nagtatakda ng mga panuntunan sa pagpapatupad ng patakarang edukasyong bilinggwal sa mga paaralan mula taong aralan 1974-75.
1974 (Okt.22) Pinalabas ni Kalihim Tagapagpaganap Roberto Reyes ang pahintulot sa Surian ng Wikang Pambansa ang pagsasagawa ng mga seminar at iba pang katulad na pagpupulong para sa programang bilinggwalismo.
1978 (Hulyo 21) Nilagdaan ni Kalihim Juan Manuel ng Edukasyon at Kultura ang Kautusan blg 22, 1978 na nagtatadhana na ang Pilipino ay bahagi ng kurikulum na pangkolehiyo.
1987 Pinalabas ni Lourdes Quisumbing ng Departamento ng Edukasyon, Kultura at Isports ang Kautusan Blg 52 na nag-uutos sa paggamit ng Filipino bilang panturo sa lahat ng antas ng paaralan kaalinsabay ng Ingles na nakatakda sa patakaran ng edukasyong bilinggwal.
1987 Sa rekomendasyon ng Linangan ng Wikang Pambansa, dating Surian ng Wikang Pambansa, nilagdaan ni Sek. Quisumbing ang Kautusang Pangkagawaran blg.81 na nagtatakda ng bagong alpabeto at patnubay sa pagbabaybay ng Wikang Filipino.
1988 (Agos.25) Nilagdaan ni Pang. Corazon Aquino ang kautusang Tagapagpaganap blg. 335 na nagtagubilin sa lahat ng sangay ng pamahalaan na gamitin sa mga opisyal na transaksyon ang wikang Filipino. 1990 (Marso 19)Pinalabas ni Sek. Isidro Carino ng Edukasyon, kultura at Isports ang Kautusang Pangkagawaran blg. 21 na nagtatagubilin na gamitin ang Filipino sa panunumpa ng katapatan sa Saligang Batas
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento