Linggo, Nobyembre 25, 2018

Wikang Filipino at Pinagmulan nito



1934  Nagsimula ang kasaysayan ng Wikang Pambansa noong unang Kombensyong Konstitusyonal na naganap  sa taong 1934. Ang nanguna sa paggawa ng resolusyon tungkol sa wikang pambansa ay si Deligado Wenceslao Vinzons ng Camarines Norte. Ang orihinal na resolusyon ay ang sumusunod:

            Ang Kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang wikang wikang pambansa batay sa mga umiiral na katutubong diyalekto.

1935  Ang resolusyon ay naisa-batas at matatagpuan sa Seksyon 3, Artikulo XIV ng Saligang Batas ng 1935.


1936 (Okt. 27) Itinagubilin ni Pangulong Quezon sa kanyang mensahe sa Pambansang Asemblea ang paglikha ng isang Surian ng Wikang Pambansa na gagawa ng isang pag-aaral ng mga wikang katutubo sa Pilipinas sa layuning mapaunlad at mapatibay ang isang wikang panlahat.

1937 (Nob.13) Pinagtibay ng Batasang Pambansa ang Batas Komonwelt blg. 184 na lumikha ng isang Surian ng Wikang Pambansa at itinakda ang mga kapangyarihan at tungkulin nito.

1937 (Enero 12) Humirang ang Pang. Quezon ng mga Kagawad na bubuo sa Surian ng Wikang pambansa. Si Jaime C. D. Veyra ang unang Tagapangulo ng Surian ng Wikang Pambansa. (Tingnan sa aklat ang iba pang miyembro).

1937 (Nob.9) Nagpasa ng isang resolusyon na  gawing Tagalog ang batayan ng Wikang Pambansa at itinagubilin ito ng Pang. Quezon na pagtibayin na.1937 (Dis. 30) Alinsunod sa Batas Komonwelt blg. 184, sa pamamagitan ng Kautusang Tagapagpaganap 134, ipinahayag ng Pang. Quezon na batay sa Tagalog ang Wikang Pambansa ng Pilipinas.

1940 (Abril 1) Sa pamamagitan ng Kautusang Tagapagpaganap blg. 263 ay binigyang-pahintulot ang pagpapalimbag ng isang Diksyunaryo at ang Gramatika ng Wikang Pambansa na itinakdang ituro sa mga publiko at pribadong paaralan mula Hunyo, 1940.

                 
1954 (Marso 26)Nilagdaan ni Pang. Ramon Magsaysay ang Proklama blg. 12 na nagpapahayag ng pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa simula Marso 29 hanggang Abril 4 taun-taon, sa tagubilin ng Surian ng Wikang Pambansa.

1955 (Set.23) Nilagdaan ni Pang Magsaysay ang Proklama blg. 186 na naglilipat sa pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa  sa ika 13-19 ng Agosto taun-taon.

1959 (Agos. 13) Pinalabas ng Kalihim ng Kagawaran g Edukasyon, Jose E. Romero ang Kautusang Pangkagawaran blg. 7 na nagsasaad na kailanma’t tutukuyin ang Wikang Pambansa, ang salitang Pilipino ang gagamitin.1967 (Okt. 24) Itinakda  ni  Pang. Marcos ang  Kautusang Tagapagpaganap blg.96 na nagtatadhanang ang lahat ng mga gusali, edipisyo at tanggapan ng pamahalaan ay pangalanan sa Pilipino.

1968 (Marso 27) Nagpalabas si Kalihim Tagapagpaganap Rafael Salas ng Memorandum Sirkular  blg. 172, nag-aatas na isulat sa Pilipino ang mga letterheads ng mga kagawaran at sangay ng pamahalaan.


1968 (Agos.6) Nilagdaan ni Pang. Marcos ang Kautusang Tagapagpaganap blg. 187 na nag-aatas sa lahat ng kagawaran, kawanihan, tanggapan, at iba pang sangay na gamitin ang wikang Pilipino, hangga’t maaari, sa Linggo ng Wikang Pambansa  at pagkaraan nito, sa lahat ng opisyal na komunikasyon at transaksyon ng pamahalaan.1970 (Agos.17)Pinalabas ni Kalihim Tagapagpaganap Alejandro Melchor ang Memorandum Sirkular blg. 384 na nagtatalaga ng tauhang mamamahala ng komunikasyon sa Pilipino sa lahat ng departamento, kawanihan , tanggapan, at iba pang sangay ng pamahalaan, kabilang ang mga korporasyong ari o kontrolado ng pamahalaan

1971(Marso 16) Nilagdaan ni Pang. Marcos ang Kautusang Tagapagpaganap blg. 304 na nagpapanauli sa Surian ng Wikang Pambansa. Naging Tagapangulo nito si Dr. Ponciano BP. Pineda. Nanungkulan siya hanggang taong 1999.

1972 (Dis. 1) Nilagdaan ni Pang. Marcos ang Kautusang Panlahat blg. 17 na ang panukalang Saligang Batas ng 1972 ay limbagin sa Pilipino at Ingles .1974 (Hunyo 9) Nilagdaan ni Kalihim Juan Manuel ng Edukasyon at Kultura ang Kautusang Pangkagawaran blg. 25 na nagtatakda  ng mga panuntunan sa pagpapatupad ng patakarang edukasyong bilinggwal sa mga paaralan mula taong aralan 1974-75.

1974 (Okt.22) Pinalabas ni Kalihim Tagapagpaganap Roberto Reyes  ang pahintulot sa Surian ng Wikang Pambansa ang pagsasagawa ng mga seminar at iba pang katulad na pagpupulong para sa programang bilinggwalismo.

1978 (Hulyo 21) Nilagdaan ni Kalihim Juan Manuel ng Edukasyon at Kultura ang Kautusan blg 22, 1978 na nagtatadhana na ang Pilipino ay bahagi ng kurikulum na pangkolehiyo.

1987 Pinalabas ni Lourdes Quisumbing ng Departamento ng Edukasyon, Kultura at Isports  ang Kautusan Blg 52 na nag-uutos sa paggamit ng Filipino bilang panturo sa lahat ng antas ng paaralan kaalinsabay ng Ingles na nakatakda sa patakaran ng edukasyong bilinggwal.

1987 Sa rekomendasyon ng  Linangan ng Wikang Pambansa, dating Surian ng Wikang Pambansa, nilagdaan ni Sek. Quisumbing ang Kautusang Pangkagawaran blg.81 na nagtatakda ng bagong alpabeto at patnubay sa pagbabaybay ng Wikang Filipino.


1988 (Agos.25) Nilagdaan ni Pang. Corazon Aquino  ang kautusang Tagapagpaganap blg. 335 na nagtagubilin sa lahat ng sangay ng pamahalaan na gamitin sa mga opisyal na transaksyon ang wikang Filipino. 1990 (Marso 19)Pinalabas ni Sek. Isidro Carino ng Edukasyon, kultura at Isports  ang Kautusang Pangkagawaran  blg. 21 na nagtatagubilin  na gamitin ang Filipino sa panunumpa ng katapatan sa Saligang Batas

Miyerkules, Oktubre 17, 2018

Wikang Pilipino (Kasaysayan)


Kasaysayan ng Wikang Pambansa (Filipino)
Sa pagbabasa mo ng kasaysayan ng ating Wikang Pambansa (Filipino), mas madali mong maintindihan kung itinatanong mo sa iyong sarili ang mga ito:
  • Saan mababasa ang tadhana ukol sa pagkakaroon ng Wikang Pambansa?
  • Paano nabigyang katuparan ang nasabing tadhana?
  • Sinu-sino ang bumuo ng unang Surian ng Wikang Pambansa?
  • Bakit binago ang petsa ng pagdiriwang ng Linggo ng Wika?
  • Ilang yunit ng Filipino ang dapat na makuha ng isang mag-aaral bago makatapos ng isang kurso?
Maraming panahon ang lumipas bago nakamit ng Pilipino ang kalayaan. Ang mga taong naninirahan sa Pilipinas ay iba't ibang wika ang ginagamit kaya ang mga mamamayan noon ay hindi gaanong nagkakaunawaan. Malimit noon ang magkaroon ng alitan, inggitan, samaan ng loob at iba pang kaguluhan bunga ng di pagkakaunawaan.


Nagdatingan ang mga dayuhan, iba't ibang lahi tulad ng mga Malayo, Indones, Intsik, tag-Indiya at Arabia sa ating bansa upang makipagkalakalan. Dumating at umalis ang mga dayuhan, itinuro ang kani-kanilang gawi at wika ngunit hindi pa rin nalutas ang mga suliraning dati na sa bansa. Sa malas ay lalo pang lumubha at lumawak ang di pagkakaunawaan ng mga mamamayang Pilipino.

Lumipas ang marami pang taon, patuloy ang pagdating ng maraming dayuhang ang unang layunin ay makipagkalakalaan lamang ngunit sa dakong huli ay naging mapaghangad at tayo'y sinakop at ipinailalim sa kanilang pamahalaan at itinuring na parang mga alipin. Subalit dahil sa ang mga Pilipino ay likas na matatapang at may likas na paninindigan sa karapatan, ang mga ito ay hindi natakot makipaglaban sa mga dayuhan. Nabuhay sa kanila ang damdaming makabayan.


Hindi sana tatagal ng mahigit na tatlong daan at tatlumpung taon ang ating pagkasakop o pagkapailalim sa kapangyarihan ng mga Kastila kung noon pa ay mayroon na tayong isang malawak na wikang nauunawaan ng nakararaming Pilipino.

Nang mapasailalim ng kapangyarihan ng mga Amerikano ang Pilipinas, napansin ng mga Pilipino ang malaking kaibahan ng pagbibigay ng edukasyon sa ilalim ng Kastila at ng mga Amerikano. Sa panahon ng Kastila, nanatiling mangmang ang mga Pilipino sapagkat ipinagkait sa mamamayan ng Pilipinas ang wikang Kastila ayon sa pag-aaral ni Ernesto J. Frei (The Historical Development of the Philippine National Language). Sa panahon ng Amerikano, sadyang itinuro ang wikang Ingles at sadya rin malaki ang kaibhan ng pagtuturo sapagkat ito ay sapilitan. Para sa mga Amerikano, mas madali silang mauunawaan ng mga Pilipino kung ang mga ito ay nagsipag-aral.



Bilang bahagi ng marahan at maingat na paraan ng pagbibigay-kalayaan sa Pilipinas, nagkaroon ng kombensyong pangkonstitusyonal noong taong 1934 at natapos at napagtibay ito nang sumunod na taon o 1935. Ang unang konstitusyon ay nagtadhana ng ganito ukol sa wika:
Artikulo XIV, Seksyon 3 ng Unang Konstitusyon, Serye 1935

"Ang kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa paglinang at pagbuo ng isang Wikang Pambansang batay sa isa mga umiiral na mga katutubong wika..."

Dahil sa malaking pagpapahalaga sa pagkakaroon ng Wikang Pambansa ng Pangulong Manuel Luis Quezon, nang magbigay siya ng mensahe sa unang pulong ng Asembleya ng Pilipinas noong Oktobre 27, 1936, inirekomenda ang pagtatatag ng isang Surian ng Wikang Pambansa na siyang mag-aaral ng mga diyalekto sa Pilipinas upang luminang at bumuo ng isang Wikang Pambansang batay sa isa sa mga ito.


Dahil sa kahilingan ng Pangulong Quezon, ang Asembleya ng Pilipinas ay lumikha ng isang batas na nakilala sa tawag na Batas Komonwelt Blg. 184, Serye 1936. Ito'y isang batas na lumilikha ng Surian ng Wikang Pambansa at nagtatakda ng kapangyarihan nito pati na ng mga tungkulin sa isang ispesyal na sesyon, noong Nobiyembre 13, 1936.

Nagsimula na ang puspusang pagsasakatuparan ng mga hakbangin tungo sa pagkakaroon ng Wikang Pambansa. Kaya noong Enero 12, 1937, bilang pag-alinsunod sa itinakda ng batas, hinirang ng Pangulong Quezon si Jaime C. de Veyra bilang Patnugot ng Surian ng Wikang Pambansa (SWP).

Narito ang mga bumuo sa unang Surian ng Wikang Pambansa pati ang wikang kinatawan:
Patnugot: Jaime C. de Veyra (Samar-Leyte) - tagapagtatag ng Wikang Pambansa (Agosto 13-19, 1955)
Kalihim: Cecilio Lopez (Tagalog)
Mga Kagawad:
·         Santiago Fonacier (Ilokano)
·         Filemon Sotto (Cebuano) - nagdimite
·         Casimiro Perfecto (Bicol)
·         Felix Salas Rodriguez (Hiligaynon)
·         Hadji Butu (Tausug)
Hindi pa nagsisimula ng gawain ang bumuo ng Surian, ay namatay si Hadji Butu at nagdimite naman si Filemon Sotto dahil sa pagkakaroon ng kapansanan. Muling humirang ang Pangulong Quezon ng kapalit at karagdagang kagawad. Ang mga ito'y ang sumusunod:
·         Zoilo Hilario (Kapampangan)
·         Jose L. Zulueta (Pangasinan)
·         Lope K. Santos (Tagalog) - Ama ng Balarilang Filipino
·         Isidro Abad (Cebuano)
May walong (8) wikang pinagbabatayan ang ginagawang pagsusuri sa mga piling diyalekto ng Pilipinas:
1.   Tagalog
2.   Waray
3.   Kapampangan
4.   Hiligaynon
5.   Pangasinense
6.   Bicolano
7.   Cebuano
8.   Ilokano
Ang unang komposisyon ng mga bumuo ng Surian ng Wikang Pambansa ay ayon sa tadhana ng Seksyon 1, Batas ng Komonwelt bilang 184.

Bunga ng ginawang pag-aaral, at pag-alinsunod sa tadhana ng Batas ng Komonwelt Blg. 184, ang Surian ng Wikang Pambansa ay nagpatibay ng isang resolusyon na nagpapahayag na ang Tagalog ang "siyang halos lubos na nakatugon sa mga hinihingi ng Batas Komonwelt Blg. 184", kaya't itinagubilin nito noon Nobiyember 9, 1937 sa Pangulo ng Pilipinas na iyon ay pagtibayin bilang saligan ng Wikang Pambansa. Noong Disyembre 30, 1937, sa pamamagitan ng Kautusang Tagapaganap Blg. 134, Serye 1937, ipinahayag ng Pangulong Quezon na ang Wikang Pambansa ay batay sa Tagalog.

Sa pamamagitan ng Kautusang Tagapaganap Blg. 263, noong Abril 1, 1940, ay binibigyang pahintulot ang pagpapalimbag ng isang Diksiyunaryo at isang Gramatika ng Wikang Pambansa at itinakdang mula sa Hunyo 19,1940, ay pasisimulan nang ituro ang Wikang Pambansa ng Pilipinas sa lahat ng paaralang bayan at pribado sa buong bansa. Inatasan din ang Kalihim  ng Pagtuturong Pambayan ng maglagda, kalakip ang papapatibay ng Pangulo ng Pilipinas, ng mga kinakailangang tuntunin at patakaran sa pagpapatupad ng kautusang ito.

​Noong Hunyo 7, 1940, pinagtibay ang Batas Komonwelt Blg. 570, na nagtatadhana, bukod sa iba pa, na ang Pambansang Wikang Pilipino ay magiging isa na sa wikang opisyal ng Pilipinas simula sa Hulyo 4, 1946.

Nilagdaan ng Pangulong Ramon Magsaysay ang Proklama Blg. 12 na nagpapahayag ng pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa simula sa Marso 29 hanggang Abril 4 taun taon, sang-ayon sa tagubilin ng Surian ng Wikang Pambansa. Napapaloob sa panahong saklaw ng pagdiriwang ang Araw ni Balagtas (Abril 2).

Setyembre 23,1955, nilagdaan ng Pangulong Magsaysay ang Proklama Blg. 186 na nagsususog sa Proklama Blg. 12 serye 1954, na sa pamamagitan nito'y inililipat ang panahon ng pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa taun-taon simula sa ika-13 hanggang ika-19 ng Agosto, 1955.

Noong Agosto 13, 1959, nagpalabas ang Kalihim Jose E. Romero ng Kagawaran ng Edukasyon ng Kautusang Pangkagawaran Blg. 7, na nagsasaad na kailanma't tutukuyin ang Wikang Pambansa, ang sailtang Pilipino ay siyang gagamitin.

Nilagdaan ng Kalihim Juan L. Manuel ng Kagawaran ng Edukasyon at Kultura noong Hunyo 19, 1974 ang Kautusang Pangkagawaran Blg. 25, na nagtatakda ng mga panuntunan sa pagpapatupad ng patakarang edukasyon bilinggwal sa mga paaralan na magsisimula sa taong-aralan 1974-1975.

Sa pamamagitan ng Kautusang Pangkagawaran Blg. 22, s. 1978, ay naging sapilitan ang pagtuturo ng Pilipino sa lahat ng kurso sa dalubhasaan. Ang sinumang hindi nakakuha ng anim na yunit ng Pilipino ay hindi makatatapos ng kurso.
Ipinag-utos din ang paggawa ng aklat sa Pilipino para sa dalubhasaan dahil sa kakulangan ng mga aklat. Ang kautusan ukol sa sapilitang pagkuha ng Pilipino sa dalubhasaan ay muling nabago. Noong 1997 ay dinagdagan pa ng tatlong yunit ang dating anim na yunit kaya't naging siyam na sa kasalukuyan ang dapat na matapos na yunit sa Pilipino bago makatapos ng kurso.

Ngayon, ang lahat ng mga mag-aaral maging dayuhan ay kailangang may siyam na yunit ng Pilipino sa kolehiyo para makatapos ng kurso nila. Kaya ngayon, ang lahat ay nag-aaral ng Filipino.

Nabanggit sa itaas na ang asignaturang Pilipino ay hindi na tatawaging ganito sa halip ay Filipino batay sa Kautusang Pangkagawaran Blg. 81, s. 1987, ang kautusan ukol sa binagong ortograpiyang Pilipino.



Lunes, Oktubre 15, 2018



Wikang Filipino
Anu nga ba ang wika? -ang wika ay isang sistema ng mga sagisag na binubuo ng mga tunog o kaya ay mga pasulat na letra na naiiugnay natin sa mga kahulugang nais nating ipabatid sa ibang tao. Bakit ito mahalaga? -napakahalaga ng sariling wika sa isang lipunan lalo na sa ating mga pilipino. Unang una ,ito ay ginagamit nating mga pilipino upang maipahayag ang damdamin at kaisipan. Pangalawa, ang wikang filipino ay mahalaga upang magkaisa at mabuklod ang mga bagay na kumikilala sa isang lahi kung ano sila, saan sila nagmula, kung sino at ano ang kanilang mga kaibahan sa ibang lahi. Ang wikang filipino ang mga nagsilbing tulay ng mga pilipino upang bawat isa ay magka intindihan at magtulungan para sa pag unlad ng ating sariling bansa.
 Ang wikang filipino ay isa sa mga kayamanang ating natanggap mula sa ating mga ninuno. Ito ang nagsilbing instrumento para sa magandang ugnayan. Ang wika ay mahalaga para sa pang araw araw at upang tayo ay magkaunawaan. Bilang isang mamamayan ng bansang pilipinas, dapat natin itong ipagmalaki sapagkat ang ating sariling wika ay parang ginto na dapat iniingatan at pinapahalagahan para narin sa mga susunod pang henerasyon. Sa araw araw nating pakikisalimuha sa iba, madami na tayong napapansing ibat ibang uri ng wika sa ating pananalita. Minsan marami tayong ginagamit na salita para makipag usap sa ibang tao tulad na lamang ng jejemon na karaniwang ginagamit ng mga kabataan ngayun. Minsan kinakailangan din nating magbago at hindi rin naman ito masama kung ang pagbabago na iyong sinasabi ay hindi makakasira o makakasama sa wikang iyong ginagamit at sa bansang iyong kinalalakihan at napagkukunan ng aral.


Ang pagbabago ay hindi rin naman masamang bagay, ngunit dahil sa pagbabago marami narin sa mga kapwa natin pilipino ang nakakalimot na sa ating sariling wika. Sapagkat bawat pagbabago ay hindi lahat may magagandang naging bunga minsan nagdudulot din ito ng sakit sa ulo ng mga gobyerno at maging sa ating bansa ito ay lalong nakakaepekto. Dahil ang bawat isa satin ay may kanya kanyang ding isip. Tulad na lamang ng pakikipag usap natin sa ating kapwa, minsan ginagamit parin natin ang hindi sa ating wika mas marami pa ang mga salitang lumalabas sa bibig natin na hindi sa ating wika, kaysa sa wikang ating pinagmura at pinag-aaralan. Iilan lamang yan sa mga mabuting epekto ng palaging paggamit ng ating wika. Ang wika ay malinaw na sa isang mahalagang kasangkapan na ginagamit upang maiparating ang mga nasasaloob na ideya at damdamin ng isang tao.

Hindi lamang ito isang paraan ng pakikipag usap nya sa kapwa kundi ginagamit din nya upang makigpagkaibigan, makipagtalakayan at maibahagi ang kanyang ibat ibang opinyon at kaisipan. Hindi lamang sa pagsusulat ng mga talambuhay gamit ang wika kundi maging sa pakikipagtalastasan gamit ang sariling wika. Sa buong kasaysayan, maraming mga bagay, sitapwasyon at pangyayari na tumutukoy sa kahalagahan ng wika sa mga tao, sa kanyang kapaligiran at higit lalo na sa kanyang bansa. Ang wika ay hindi lamang isang sasakyan para sa pagpapahayag ng saloobin,opinyon,mga personal na obserbasyon at halaga ng kanyang mga katangian bagkus ay isang sisidlan na siyang nagpahayag ng mga aspeto ng isang komunidad o bqnsa.Ito ay kumakatawan sa lahat ng taong kabilang sa bansang pilipinas.

Ang wika ay kumakatawan sa pangunahing pagpaparating sa iba ng panlipunang pagkakilanlan.sa madaling salita,ang wika ay tumutulong na mapanatili ang kaayusan at kagandahan ng mga pilipino sa pagpapahayag ng damdamin ng kultura,sining at pagkabansa ng isang bayan.Ang wikang Filipino,na siyang ginagamit ng bawat isa sa atin kahit saang sulok man ng bansa naroon.Ito ang nagsisilbing sinturon upang maitali ang mga mamamayan sa pagiging isang Pilipino upang maging isa sila sa kanilang mga diwa,pangarap na nais nilang makamit.Mahirap lamang na isipin na kung walang sariling wika na magiging daan upang magkabuklod-buklod ang magkakahiwa-hiwalay na isala sa bansang Pilipinas .Ito ah maaring makapagdulot ng kaguluhan at hind pagkakaunawaan ng mga Pilipino.
Kahit ano mang anyo sa pamamagitan man ng pagsulat o pagsalita,ang ating sariling wika ang pinakamabisang paraan upang maihatid ang mga kaisipan ag mapanatili sa madaling hakbang ang kasaysayan at mga tala ng mga sinaunang Pilipino.Sa ganitong pagkakataon ,malalaman nating mga mamamayan ang mga hakbangin para na ginawa noong una upang maituloy ito sa mabuting paraan at maiwasan ang mga hindi magagandang pangyayari noon sa ating bansa.Ang wika ang dapat na isipin ng mga Pilipino upang mailagay sa tama ang mga gagawin at mapabuti ang mga masasamang gawain.

Wika rin ang magsisilbing lakas ng mga Pilipino sa pagtahak ng mga pangarap upang maisakatuparan ang mga naudlot noong simula pa.Para sa paglipas ng panahon,mapatunayan na ang wika ang siyang pinakamahalagang sandata ng mga Pilipino upang maiparating ng isang bansa sa kanyang mamamayan ang mga pangyayari,kasaysayanag bahagi ng ekonomiyang ito upang sa gayon malalaman rin ng mga Pilipino kung gaano talaga kahalaga ang wikang ating pinaglalaban at pinapahalagahan mula noon maging sa kasalukuyan.Gayon din naman na ang wika ang siyang sentro ng mga mamamayan upang maihugos sa kanilang mga hinaing.Naipadama ng isang tao sa pamamagitan ng kanyang pagkatao,ang katangian,ang lawak ng kanyang kultura at sining,ang kabihasaan nya sa ano mang larangan at katotohanan ng kanyang pag-iral. Tuwing buwan mg Agusto ay ipinagdidiwang ag buwan ng wika o Buwan ng wikang pambansa.

Ngayong taong 2018 ang tema ay "Filipino Wika ng Saliksik",ang ibig sabihin ay ang wikang Filipino ay mainam na instrumento sa mahusay na pagsasaliksik.Ang kahulugan ng saliksik ay"research"sa ingles na isa sa pinakamahalagang elemento sa pag unladng kaalaman.Ginagamit ang saliksik sa marami,kagaya na lamang sa paggawa ng thesis at iba pa pang pag-aaralan na kaugnay sa edukasyon. Ang tema ay kumikilala sa wikang Filipino bilang midyum sa paglikha at pagpapalaganap ng pambansang karunungan at kaunlaran.

Linggo, Setyembre 16, 2018

Kasasayan ng Wikang Pambansa
1934: Kumbensyong Konstitusyunal                     
    



Noong taong 1934 nagtawag ng isang konstitusyunal convention at ang isa sa kanilang pinagtalunan ay kung ano ang itatatag na wikang pambansa. Nagkaroon ng pagtatalo, wikang katutubo vs. wikang ingles. Subalit, tinaguyod ni Lope K. Santos ang wikang katutubo sa pamamagitan ng paglagay ng pamantayan na dapat ang wikang pambansa ay ibatay sa wikang umiiral.
1935: Saligang Batas 1935, Articulo XIV, Seksyon 3

 Ang Kongreso “ay inaatasang magpaunlad at magpatibay ng pangkalahatang Pambansang Wika na batay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika”. Subalit may iilang nag-giit na umiiral rin sa kapuluan ang wikang ingles at espanyol na pinaglaban nina  Felipe R. Jose (Mountain Province), Wenceslao Q. Vinzons (Camarines Norte), Tomas Confesor (Iloilo), Hermenegildo Villanueva (Negros Oriental), at Norberto Romualdez (Leyte). Sa panahong ito ay wala pang napipili na batayan bilang wikang pambansa at wala pa ring ahensya ang nabubuo upang ito’y mapangasiwaan at maipakalat.
1936: Batas Komonwelt Blg 184


Noong 1936, pinagtibay ng Batasang Pambansa ang Batas Komonwelt Blg 184 na sinulat ni Norberto Rumualdez. Sa batas na ito ay itinatag ang Surian ng Wikang Pambansa “na mag-aaral ng mga diyalekto sa pangkalahatan para sa layuning magpaunlad at magpatibay ng isang pambansang wikang batay sa isa sa mga umiiral na wika.” Ang pagpili ng isang pambansang wika ay ibinatay sa “pagkaunlad ng estruktura, mekanismo, at panitikan na pawang tinatanggap at ginagamit ng malaking bilang ng mga Filipino.”
Surian ng Wikang Pambansa

  • Lumabas sa pagsusuri ng SWP na ang Tagalog ang pinakaumiiral na wika sa kapuluan at ito ang napili bilang pamantayan sa pamumuno nina Jaime C. de Veyra , at kinabibilangan ng mga kasaping sina Santiago A. Fonacier, Filemon Sotto ,Casimiro F. Perfecto, Felix S. Salas Rodriguez, Hadji Butu, at Cecilio Lopez.
  • Tampok sa pagpili ng Tagalog ang pagkilala rito “na ginagamit ito ng nakararaming bilang ng mga mamamayan, bukod pa ang mga kategorikong pananaw ng mga lokal na pahayagan, publikasyon, at manunulat.”
1937: Kautusang Tagapagganap Blg 134
Sa Bisa ng batas na ito ay ipinahayag ni Pangulong Manuel L. Quezon na ang wikang pambansa ay ibabatay sa Tagalog. Ngunit magkakabisa lamang ang nasabing kautusan pagkaraan ng dalawang taon, at ganap masisilayan taong 1940.
Dalawang ang mahalagang tungkuling naisagawa ng SWP. Ito ay ang pagbubuo at pagpapalathala ng diksyonaryo at gramatika ng Wikang Pambansa.
1940: Kautusang Tagapagganap Blg 263
Ipinalabas ang Kautusang Tagapagpaganap na nagtadhana ng paglilimbag ng isang balarila at isang diksyunaryo sa Wikang Pambansa. Ipinahayag  ring ituturo ang wikang pambansa sa mga paaralan sa buong Pilipinas na nagsimula noong Hunyo 19, 1940.
1946: Araw ng Pagsasarili at Batas Komonwelt Blg 570 (Hulyo 4, 1946)
Pinagkalooob ng mga Amerikano ang kalayaan ng Pilipinas.
Pinagtibay ng Batas-Komonwelt Blg. 570 na nagtadhana na simula sa Hulyo 4, 1946 ang Wikang Pambansa ay isa sa mga opisyal na wika ng bansa. Nagkaroon ng 2 opisyal na wika Ingles at ang wikang pambansa na nakabatay sa tagalog
1954: Proklamasyon Blg 12 (Marso 26, 1954)
Nilagdaan ni Pangulong Ramon Magsaysay ang Proklamasyom blg. 12 na nagpapahayag ng pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa simula Marso 29 hanggang Abril 4 taun-taon, sa tagubilin ng Surian ng Wikang Pambansa at bilang pagkilala na rin sa kaarawan ni Francisco Balagtas.
1955: Proklamasyon Blg. 186 (Setyembre 23, 1955)
Nilagdaan ni Pang Magsaysay ang Proklamasyon blg. 186 na naglilipat sa pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa  sa ika 13-19 ng Agosto taun-taon, bilang paggunita na rin sa kaarawan ng dating pangulong Manuel L. Quezon.
1959: Kautusang Pangkagawaran Blg 7 (Agosto 13, 1959)

Pinalabas ng Kalihim ng Kagawaran g Edukasyon, Jose E. Romero ang Kautusang Pangkagawaran blg. 7 na nagsasaad na ang wikang pambansa ay tatawaging Pilipino. Gagamatin ang wika sa mga tanggapan, gusali, passaporte, diyaryo, telebisyon at komiks.
1967: Kautusang Tagapagpaganap Blg 96 (Oktubre 24, 1967)
Itinakda  ni  Pang. Marcos ang  Kautusang Tagapagpaganap blg.96 na nagtatadhanang ang lahat ng mga gusali, edipisyo at tanggapan ng pamahalaan ay pangalanan sa Pilipino.
1973: Saligang Batas 1973, Artikulo XV, Seksyon 3, Blg 2
Ayon sa Saligang Batas 1973 mayroong dalawang opisyal na wika- Ingles at Pilipino. Itinakda rin na ang Pambansang Assemblea ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pormal na adapsyon ng panlahat sa Wikang Pambansa- na makikilalang Filipino.
1987: Saligang Batas 1987, Artikulo XIV, Seksyon 6-9 (Pebrero 2, 1987)
Mula sa Pilipino ay pinalitan ito at kinilalang Filipino. Nagkaroon ng dalawang opisyal na wika at ito ay ang Ingles at Filipino.
Kautusang Pangkagawaran Blg 81 (Agosto 6, 1987)
Sa rekomendasyon ng  Linangan ng Wikang Pambansa, dating Surian ng Wikang Pambansa,   nilagdaan ni Sek. Quisumbing ang Kautusang Pangkagawaran blg.81 na nagtatakda ng bagong alpabeto at patnubay sa pagbabaybay ng Wikang Filipino. Ang bagong alpabeto ay binubuo ng dalawampu’t walong letra.
1997: Proklamasyon Blg 104

Ang Agosto ay taun-taong magiging Buwan ng Wika.